diocesan updates
Ang Unang Sinodo ng Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija:
Tungo sa Pagiging
Mabuting Katiwala

Ano ang Sinodo?
Buhat ito sa salitang Griyegong “syn”(kasama) at “hodos” (daan). Kaya nangangahulugang ang sinodo ay paglalakbay upang magtagpo at magsama-sama. Isang matandang kaugalian ng Inang Simbahan na gamitin ang mga salitang “synodos” at “concilium” upang tukuyin ang mga natatanging pagpupulong sa Simbahan. Ang unang pandaigdig na pagsasabatas ukol sa sinodong pangdiyosesis ay ginawa ng Fourth Lateran Council (1215) sa ilalim ni Papa Inocente III.
Ang Sinodo ng Diyosesis
Tumutukoy ang Sinodo ng Diyosesis sa isang
kapulungan , na binubuo ng mga pari, relihiyoso at
layko na hinirang ng Obispo. Ang kapulungang ito
ay pangunguluhan niya upang talakayin at
pagtibayin ang mga mahahalaga at kinakailangang
batas sa kapakanan ng diyosesis.
Sa Sinodo, isinasagawa ng Obispo ang kanyang
gampanin at ministeryo ng pangangasiwa sa
sambayanang ipinagkatiwala sa kanya sa pamamagitan
ng pag-aangkop ng mga pangkalahatang
batas at alituntunin ng Simbahan sa lokal na kalagayan
at panahon, sa pagbibigay-pansin sa panuntunan
at programa ng gawaing apostoliko ng
diyosesis, sa paglutas sa mga suliranin ng apostolado
at pamamahala, sa pagbibigay-sigla sa mga
proyekto at gawain at sa pagpapaliwanag sa mga
katuruan ng pananampalataya at moralidad.
Sa isinasagawa niyang pagsangguni sa iba’t
ibang samahang pangdiyosesis, sa mga hinirang
niyang kaanib sa Sinodo at sa mga inanyayahang
bihasa sa teolohiya, buhay pastoral, at batas,
pinapatunayan naman ng Obispo na may diwang
pakikiisa at pagkakaisa ang kanyang pangangasiwa
sa sambayanan. (Directory for the Pastoral
Ministry of Bishops, 166-168).
Ang Sinodo at Inang Simbahan
Sa unang Sinodo ng Simbahan na binanggit sa Mga Gawa ng mga Apostol, ang bawat Konsilyo ay itinuring na “pagpupulong sa Espiritu Santo” (Gawa 15:28). Batay dito, ang Simbahan ay isang KOINONIA, isang salitang Griyego na ang kahulugan ay komunidad na nagpapahiwatig ng pagkakaisa ng mga mana-nampalataya. Ang katangian ng pagiging isang kapulungan o Sinodo ay likas at kaloob ng Diyos sa Simbahan.
Ang katangian ng Simbahan bilang isang komunidad ay tu-matawag ng isang pagtitipon-tipon ng mga kasapi para sa pa-nahon ng pagpapasiya at pag-papanibagong-sigla at gayon din naman para sa pagsamba at pagtuturo. Ang pagbabahagi at pag-aabuloy, pakikisama at pakikiisa ng lahat ng kasapi sa isang Kristiyanong komunidad o pamayanan ay nagagawa sa mga pana-panahong pagpupulong. Natutupad, ipinapahayag at nakikita ang Simbahan bilang Koinonia o Komunidad sa pagdiriwang ng isang Sinodo.
Ang Sinodo at Diyosesis
Sa Bagong Tipan, ang Diyo-sesis (o Simbahang Lokal) ay hindi isang bahagi lamang ng buong Inang Simbahan, bagkus ganap na Simbahan ng Diyos kahit na hindi ito ang buong Simbahan ng Diyos. “Ang kaisa-isa, banal, katoliko at apos-tolikong Inang Simbahan ay tunay na naroroon at umiiral” sa diyosesis na nakikiisa sa kanyang Obispo at “magkasamang tinitipon niya sa Espiritu Santo sa pamamagitan ng Ebang-helyo at Eukaristiya.” (Chris-tus Dominus, CD11 at Canon 369).
Itinuturo ng Ika-2 Kon-silyo Vatikano na dapat isaalang-alang ng diyosesis ang mga kaisipan, tanong, suliranin at hangarin ng lipunan na kanyang kinapa-palooban (Gaudium et Spes 4). Sa diwa nito, ang Si-nodong pang-diyosesis ay isang mabisang kasang-kapan sa pagpapatunay ng kalikasan ng diyosesis. Sa pag-aangkop ng mga paha-yag at dekreto ng Sinodo ng Diyosesis sa turo ng Inang Simbahan, napagtitibay ang pagiging iisa ng Bayan ng Diyos. Sa pag-aangkop naman ng turo at disiplina ng Inang Simbahan sa natatanging kalagayan at pangangailangan ng diyo-sesis, pinatitingkad ang pagiging katoliko ng Inang Simbahan.
Ang Sinodo at Bagong Pagunawa sa Kapangyarihan sa Simbahan
Pinalawak ng ika-2 Konsilyo Vatikano ang pag-unawa sa kalikasan ng “kapangyarihan”. Noon, ito ay pangkaraniwang natutukoy lamang bilang ka-rapatang mamuno. Ngayon ki-nikilala ang “kapangyarihan” bilang paglilingkod (Lumen Gentium 24). Sa mga Banal na Kasulatan, makahulugan itong tinawag na “diakonia” o minis-teryo. (Gawa 1:17, 35; 21:19, Roma 11:13; Tim 1:12). Sa kasalukuyan, itinuturing ang mga Obispo na mga pastol at lingkod ng Diyos, at lingkod ng mga lingkod ng Diyos. Kaya sa malawak at walang pasubaling saligan, ang mga Obispo ay lumalapit at nakikinig sa mga pari, relihiyoso at layko (CD 16).
Nagbunga ang panibagong pag-unawa ng kapangyarihan sa Simbahan sa pag-uusap at pagtutulungan ng buong pama-yanan sa iba’t ibang antas at paraan ng pagbuo ng mga kapasyahang makabubuti sa bawat isa sa pamayanan.
Napagtitibay ang lahat ng ito sa pagdaraos ng mga sinodo. Dito, ang mga kinatawan ng mga pari, relihiyoso at layko, kasama ng Obispo bilang pastol at bukal ng pagkakaisa, ay nagkaroon ng makabu-luhang pagsasabuhay sa “diakonia” at pangangasiwa ng Diyosesis.
Ang Sinodo at Misyon ng Layko
Sa bisa ng Binyag, na-kikibahagi ang bawat Kristiyano sa misyon ng Simbahan. Bagaman ang pananagutan ng mga tu-manggap ng Banal na Orden ay kakaiba sa mga taong hindi tumanggap nito, ang misyon ng Simbahan ay panana-gutan ng lahat ng bin-yagan. Ang mga karis-ma o natatanging ka-loob taglay ng mga Kris-tiyano ay ipinagkatiwala sa kanila ng Espiritu Santo upang patatagin ang Simbahan sa kani-lang pakikianib at paki-kibahagi. Ang pagpa-pahayag ng Ebanghel-yo, ang pagsaksi ng pa-mayanan, at ang pagli-lingkod sa kapwa tao ay tungkulin ng buong Simbahan.
Kung mayroong isang pamamaraan na ang mga gawaing ito ng Simbahan ay maipaliliwanag at masusuri ng husto, at kung saan ito maisasabalikat at magagampanan ay walang iba kundi ang Sinodo.
Mabuhay ka, Apo Jose
Ang Awit ng Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija
Himig: Fr. Gboi Samonte | Titik: Fr. Edwin I. Bravo
I
Sulong Diyosesis ng San Jose
Ipakita sa lahat
San Jose’y kaagapay
Layong ipamansag buhay pagmamahal
Sa kapwa’t sa D’yos itatanghal.
Koro:
Mabuhay ka Apo Jose
Ipagbunyi natin ang diyosesis
Ikarangal at dakilain
Huwaran ka ng sambayanan
Mabuhay ka Apo Jose
II
Mula sa mga bayang
pinili ng D’yos
D’yosesis ng San Jose
iyong matatalos
Pari at madre,buong sambayanan
Hawak-hawak kamay maglalakbay.
(ulitin ang koro)
III
Kumilos, umangat,
MABUTING KATIWALA
Makatao’t maka-D’yos iyong mapapala
Buklod ng pangarap Damayanang kristiyano
Sa landas tungo sa pagbabago.
(ulitin ang koro )
Koda:
Mabuhay ka Apo Jose
Ipagbunyi natin ang diyosesis
Ikarangal at dakialain
Huwaran ka ng sambayanan
Mabuhay ka,Mabuhay ka,
Mabuhay ka Apo Jose
--------------------------------------------------------------------------
COMMISSION ON INTEGRAL FORMATION
Diocese of San Jose, Nueva Ecija
ANG PROGRAMA NG DIYOSESIS NG SAN JOSE, NUEVA ECIJA
“ ANG KABANALAN NG PAGIGING MABUTING KATIWALA NG PANGINOON”
(SPIRITUALITY OF STEWARDSHIP)
KAHULUGAN NG PROGRAMA:
Ugnayan ng nilikha sa Tagapalikha. Ito ay ang pakikiisa sa buhay ng Diyos.
-
Ito ay pagsasabuhay ng isang ISPIRITWALIDAD na maayos na pangangasiwa ng mga biyaya na nagmula sa Diyos: Panahon, Talino, Yaman at Kinabukasan.
-
Ito ay ang pag-aalay ng sarili para sa Diyos at sa kapwa.
Ang Panginoon ay naging isang dukha upang sa kanyang karukhaan ay mapayaman Niya tayo. Sa pagsunod sa karukhaan ng Panginoon na ating daan at uliran, dito’y nakasalalay ang paniniwala natin na tayo’y dapat magiging Sambayanan ng mga dukha. At dito rin nakasalalay ang kabanalan.
Ito ang kabanalan na dapat nating taglayin bilang tinawag ng Panginoon na makaisa Niya bilang isang Katiwala katulad Niya.
MGA MAHAHALAGANG PANANAW:
Paglago ng pagka-unawa ng ikapu (tithing) tungo sa Pagiging Katiwala ng Panginoon (Stewardship)
-
Ang ikapu ay may kinalaman sa pagbibigay ng kayamanan. Ito ay nagsasalita tungkol sa isang tungkuling magbigay.
-
Ang pagiging Katiwala ng Panginoon naman ay nakatuon sa relasyon sa Panginoon ng Kanyang pinagkakatiwalaan. Ang Pagiging Katiwala ng Panginoon ay pangkabuuan: Panahon, Talento at Kayamanan. Ito ay nagpapahayag ng isang buong kahandaang magmahal at magbigay
-
Mga Sariling Karanasan – BALIK-HANDOG para sa Programang Pastoral (Tuwing Anihan)
(Note: Hindi pa ito ang programang Pagiging Mabuting Katiwala kundi ito ay inisyal lamang na karanasan na nagbibigay palatandaan na pwede palang mangyari ang pagsasabuhay ng Programang Mabuting Katiwala.)
San Nicolas de Tolentino Parish, Carranglan, N.E.
-
St. Joseph Cathedral, San Jose City, N.E.
-
San Roque Parish, Cuyapo, N.E.
-
Our Lady of the Sacred Heart Parish, Triala, Guimba, N.E.
-
San Antonio de Padua Parish, Butao, Cuyapo, N.E.
-
San Geronimo Parish, Baloc, Sto. Domingo, N.E.
Ang Programang Pagiging Mabuting Katiwala ng Panginoon ay tugon bilang kamanlalakbay ng mananampalataya, kaparian, relihiyoso/papel na ginagampanan ng Obispo
MGA MAHAHALAGANG KRISTIYANONG PANANAW
Ang lahat ay pag-aari ng Diyos. Walang nauukol sa atin. Tayo ay dukha sa paningin ng Panginoon. Ang buong daigdig, lahat ng naroon, may-ari ay si Yahweh, ating panginoon. Ps 24:1
-
Ang tao ang siyang tagpangasiwa para payabungin at pamamahalaan ang mga nilalang ng Diyos. Gen. 1:26.
-
Ang Panginoon ang tumutulong para makamit ng tao ang tunay na kayamanan.
-
Ang pagiging katiwala ng Panginoon kinapapalooban ng hindi lamang sa pagkakaroon ng marami, kundi ang labis na pagbabahaginan lalo na sa mahihirap para sila’y magkakaroon ng marami. Ang lihim at pamamaraan ng kasagaan ay nakasalalay hindi sa pagtanggap kundi sa higit na PAGBIBIGAY – Ang Paglilingkod sa Simbahan ng Maralita.
-
Ang Kabanalan ang dapat hantungan ng sangkatauhan at lahat ng material na pagpapala.
RATIONALE NG PROGRAMA
Pagsalin ng pangarap, Misyon at Thrusts/Mga Programa (refer – Historical Development)
Banal na Kasulatan (Deut 14:22-29;26:12-15, Mal 3:8-10, etc.)
-
Panahon ni Moises: bawat isa ay obligadong magbahagi ng 10 bahagdan ng kanilang kita o ani para sa pagpanatili ng Templo at tulong sa mga mahihirap.
-
Lumang Tipan: Acts of the Apostles (Walang nabanggit tungkol sa ikapu bilang kautusan, ngunit ang mga sinaunang mga kristiyano ay namuhay ng higit pa sa hinihingi sa kanila)
-
PCP II, Art. 14 at 18: Napakahalagang sangkap ang malawakang katesismo nito upang ang maging bunga ay makamtan ang unti-unting pagtanggal ng sistema ng “Arancel”.
-
Pangunahing kasangkapan para sa ebanghelisasyon. Pangalawa lamang ang pangalap ng pondo para sa simbahan.
-
Maging “self-sustaining sambayanan mula sa “Alay-Pag-ibig” at personal na sakripisyo ng kaparian, mga lider-lingkod at ordinaryong mananampalataya
LAYUNIN (GOAL)
Tungo sa Pagbabago at Pagpapanibago ng Diyosesis bilang mapagmahal, mapagbigay at mapagkalingang kumunidad at nakikisangkot na sambayanan.
Mga Espisipikong Layunin
Upang malinang ang kamalayan ng sambayanan..
-
Magamit at mapahalagahan ang pang-espirtwal at pastoral na pamumuno ng mga pari at layko
-
Upang padaluyin ang diwa ng pagiging mabuting katiwa ng panginoon pababa sa mga parokya, mga samahan at iba pang institusyon.
-
Para mapatatag ang pagkilala at pagpapahalaga sa mga mahihirap bilang tunay na kayamanan ng simbahan.. by giving them a venue to participate in the Tithing program.
-
Makamit ang maunlad na pangangasiwa sa material at pinansyal na yaman para makamtan ang Pangarap at misyon ng simbahan.
-
Upang makagawa ng mabungang pamamaraan para sa paunti-unting pagtanggal ng sistemang Arancel.
MGA BATAYANG PAMPAPAHALAGA NA NAGHAHAMON SA ATING IALAY ANG ATING MGA SARILI SA PANGINOON (Kaibuturan ng mensaheng Kristiyano)
PAGPAPAKATAO (Gen. 1:27, Psalm 95, Psalm 100, 1 Cor. 6;19)
Naitatag ang pagkataong Kristiyano mula sa katotohanan na nilikha ang tao na kawangis ng Diyos. Nangangahulugan itong mayroon tayong dignidad. Pero hindi doon nagtatapos ang usapan. Nilikha tayo ng Diyos para sa Diyos. Ang totoo, hindi tayo ang nagmamay-ari ng sarili natin. Tayo ay pag-aari ng Diyos at hindi natin pag-aari ang ating sarili lalong hindi natin pag-aari ang mga bagay na nasa atin.
-
PAGTITIWALA (Isa. 12:2)
“Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa Kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, Siya ang aking tagapagligtas. Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan”. (Isa: 12:2)
Ang Pagtitiwala sa Diyos - ay batay sa paniniwala sa ating kawalang-kakayahan. Paano ngayon tayo magtitiwala sa Panginoon?
Malaking hamon sa atin: Ang ganap na pagtanggap ng kalooban ng Panginoon at hindi ang ating sariling kalooban.
Ang Biyayang nagbibigay kapanatagan sa atin: Nagsasabing magiging maayos din ang lahat. Huwag tayong mabahala.
Ang payapang isip ay bunga ng pagtitiwalang nagmumula sa buong pusong Pagtanggap.
PASASALAMAT (Awit 107:1)
Ang pagtitiwala at buong pusong pagtanggap ay nagiging daan upang tayo’y maging mapagpasalamat. Kailangan magkaroon ng pagbabago sa ating pananaw na ang tingnan natin ay ang mga bagay-bagay na nasa atin at hindi ang wala sa atin. Maging mapagpasalamat tayo sa mga biyayang nasa atin.
Kailangang kilalanin at pahalagahan ang lahat ng biyaya na ibinibigay sa atin ng Diyos kahit na ang mga maliliit na pagpapala sa atin.
Ang Pasasalamat sa Diyos ay ang pagpapahayag at pag-aalay ng taos-pusong pasasalamat kahit sa isang katotohanang hindi tayo karapdapat na tumanggap ng mga biyaya mula sa Kanya.
Nais nating magpasalamat sa diyos hindi lamang sa mga biyaya na ating natanggap kundi para sa Kanya bilang tagapagbigay ng mga ito.
PAG-IBIG (Jn. 14:19;5:13)
Ang Pagmamahal ng Diyos ay nag-uudyok sa atin upang mahalin Siya. Ang pagmamahal na ito ay dapat gawin ng isang kristiyano.
Ang Pagmamahal ay hindi makasarili. Ito ay humihingi sa bawat isa na magbigay.
PANUNTUNAN: Nagbibigay tayo hindi dahil sa may pangangailangan. Nagbibigay tayo dahil pangangailangan nating mabigay.
PAGKATAO
PAGTITIWALA
PAG-IBIG
PASASALAMAT
Ang pagbibigay ay pamamaraan ng ating pamumuhay kagaya ng Pag-ibig bilang pagtatalaga ng buhay.
Walang kabuluhan ang buhay kung walang pag-ibig. Ang Pag-ibig ay walang saysay kung hindi nagbibigay, at ito ay pagbibigay ng buong sarili sa Maykapal.
Sa pagbibigay, tayo ay nagbabalik-handog sa Diyos. “Hiram sa Diyos ang ating buhay”, tayo ay umuupa lamang sa Kanya. Kailangan ay muli nating ibalik ang lahat sa Kanya.
Ang Diyos ang nagmamay-ari ng lahat, at tayo ay mga tagapangasiwa lamang ng Kanyang kayamanan. Ngunit ang sabi ng Diyos, “itabi mo ang 90%, gamitin mo kahit hindi yan sa iyo. Ibalik mo ang 10% - ang IKAPU”. Ito ang unang panuntunan at bahaging pinakamainan
ANG PAGIGING ISANG MABUTING KATIWALA
-
Tayo’y mga tagapangasiwa na may responsibilidad at pananagutan sa ating mga ari-arian. Ito’y pagkilala sa kadakilaan ng Diyos na higit sa ating kabayaran.
-
Minimum requirement ay ibalik sa Panginoon ang 10% ng mga biyaya na mula din sa Kanya (Panahon, Talento, Yaman/Kayamanan at Kinabukasan)
-
Katulad nito ang responsibilidad ng mag-asawa. Kailangan ibahagi natin ang pinakamainan/mabuti sa atin.
-
Habambuhay na pagtatalaga ng sarili
-
Pag-alay ng pinakamabuti sa atin para sa ating asawa at pamilya ng ating Talento,
Ang pagbabagi ng pinakamabuti sa atin ay pagbabahagi ng buong sarili. Ito ang tanging nagbibigay ng kahulugan ng Pag-ibig.
Kung tayo’y nagbibigay ng pinakamabuti sa Panginoon, tayo’y nagiging kawangis ng Diyos, na sa Kanyang pagbibigay, ay ibinigay Niya ang pinakamabuti sa atin ang Kanyang Anak na si Hesus.
Ito’y espiritwalidad na tumutulong sa atin upang lumago ang ating pag-ibig sa Diyos. Ito’y nakatuon lagi sa kadakilaan ng Diyos at nakikita niya na ang bawat saglit ay isang biyaya na mula sa Diyos.
PARISH LEVEL
Ang pangkalahatang layunin nito ay upang gawin ang Parokya bilang isang Simbahan na nagbabahaginan, nagmamahalan, nagdadamayan na may pananagutan at naglilingkod sa bawat isa. Ito ay pagsasakatuparan ng “MAUNLAD NA DAMAYANG KRISTIYANO”
Ang pag-aalay ng buhay/sarili (Panahon, Talino, Yaman at para sa kinabukasan) ay ang pagiging kawangis at kaisa ng Poong Maykapal.
Para sa kaalaman ng lahat: Ang Programang “Ang Kabanalan ng Pagiging Mabuting Katiwala ng Panginoon ay sinimulan na noong buwan ng Enero, taong kasalukuyan (2010).

