News

 

Parishes

 

Immaculate Conception Parish
Nampicuan

VISION

Kaming kumakatawan sa parokya ng Immaculada Concepcion (na nanggaling sa iba’t ibang barangay, may iba’t ibang karanasan, gauwain at katayuan sa buhay) ay naglalayong maging sambayanang:
-          may matibay na pananampalataya kay Kristo (pananampalatayang nakabatay sa banal na kasulatan) 
-          may pagkakaisa at kapatiran (may paggalang sa isa’t isa at pagpapahalaga sa buhay-pamilya)
-          tapat na sumasaksi sa katotohanan
-          may pangangalaga sa kapaligiran at
-          handang maglingkod na walang hinihintay na kapalit.

MISSION

Bilang katuparan ng pangarap na ito ay itinatalaga namin ang aming sarili sa pagpapatuloy ng tatlong gawain ni kristo na:
 
guro at propeta; sa komite ng paghubog (formation)
pari; sa komite ng pagsamba (worship)
hari at lider-lingkod; sa komite ng paglilingkod (service)

BEGINNINGS

Noong taong 1950 itinalaga ni Arsobispo Mariano Madriaga ng Lingayen si Padre Luis Llamas bilang kauna-unahang kura-paroko ng Nampicuan. Makalipas ang ilang taon, mula sa likuran ng munisipyo, ang kapilya ay nailipat sa bakuran ng Laureano Gonzales Memorial High School. Ang may bahay ni G. Laureano Gonzales, si Doña Marta Martinez, ay nakatulong ng malaki sa pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko. Noon ay wala pang sariling kumbento ang pari. Nakikitira lamang ang pari sa bahay ng pamilya Baguisi. Taong 1955 nang malipat ang bisita sa kasalukuyang kinatatayuan. Ang pari noon ay si Padre Ruperto Fernandez. Nakapagpatayo rin siya ng kumbento sa tabi ng bisita. Ang mga pagawain ng  parokya ay ipinagpatuloy ng iba’t-ibang paring nadestino rito. Noong panahon ni Padre Michael Balaria, taong 1982, ay naitayo ang bahay-pari sa tulong na galing sa ibang bansa at ng mga mamamayan. At noong taong 1986, sa tulong din ng mamamayan, si Padre Cesar Vergara ang nanguna sa pagpapatayo ng kasalukuyang bahay-dalanginan.

TERRITORIAL BOUNDARIES

Ang Nampicuan ay isang maliit na bayan sa dakong hilagang kanluran ng lalawigan ng Nueva Ecija. Ito ay matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Nueva Ecija at Tarlac. Ang buong bayan ay bahagi ng lupaing hacienda na pag-aari ng mga Pamilya ng Gallego at Alzate. Ito ay dating Barangay ng Cuyapo, Nueva Ecija. Dito ay naninirahan ang mahigit na labing-isang libong mamamayan. Ang Nampicuan ay binubuo ng 21 Barangays, ito ay: Barangay Ambassador, Cabaducan East, Cabaducan West, Cabawangan, East Central, Southeast Pob., Southwest Pob., South Central Pob., North Pob., Northwest Pob., West Central, West Pob., Maeling, Medico, Monic, Recuerdo, Mayantoc, Edy, Tony, Prado, Alemania.

ADMINISTRATION

Ang mga Paring nadestino sa Parokya ay ang mga sumusunod:
 
  1 – Rev. Fr. Luis Llamas                                    1950 – 1955
  2 – Rev. Fr. Ruperto Fernandez                            1955 – 1961
  3 – Rev. Fr. Eulopgio Posadas                             1961 – 1962
  4 – Rev. Fr. Victor Espino                                      March 1962 – May 1962
  5 – Rev. Fr. Segundo Gotoc                                  May 1962 – March 1963
  6 – Rev. Fr. Theo Keet, MSC                                July 1964 – 1966*
  7 – Rev. Fr. Cirilio Castillo                                     1966 – 1969
  8 – Rev. Fr. Alex Cajucom                                     1969 – 1971
  9 – Rev. Fr. Felipe Dayao, Jr.                               1971 – 1976
10 – Rev. Fr. Cesar Silva                                         1976 – 1980
11 – Rev. Fr. Conrado Milan                                   1980 – 1981
12 – Rev. Fr. Dante Martinez                                   1981 – 1982
13 – Rev. Fr. Michael Balaria                                  1982 – 1984
14 – Rev. Fr. Cesar Vergara                                   1984 – 1994
15 – Rev. Fr. Marcelito Paez                                   1994 – 2000
16 – Rev. Fr. Romeo Nietes                                    2000 – 2006
17 – Rev. Fr. Menardo Natividad                            May 2006 – Dec. 2007
18 – Rev. Fr. Josix Tolentino                                   Dec. 2007 –
 
 

PASTORAL THRUST

Hindi lamang ang pagpapaayos ng kapaligiran at gusali ang ginawa ng mga paring nadestino dito. Patuloy din sa pagbabalangkas ng mga gawain upang umunlad ang pananampalataya ng mga tao tulad ng mga samahang Holy Name Society, Cursilio Movement, Legion of Mary, Knights of the Altar at PREX. Inilunsad din ang mga kilusang pangkabuhayan tulad ng Gratia Plena Consumers’ Cooperative. Gratia Plena Mutual Benefit Association at Food Production Program. Sa ngayon ay walang makikitang bakas ng mga ito. Kapansin-pansin na ang mga kilusan at samahan, maganda man ang layunin, ay karaniwang sumisibol at nawawala kasabay ng pagpapalitan ng mga Pari. Hindi pa man nagtatagal na nakaaalis ang pari, ang kanyang nasimulan ay hindi na ipinagpapatuloy. Ilan na lamang ang ipinagpapatuloy ngayon. Kabilang dito ang Daan ng Krus tuwing Biyernes Santo, ang Santa Cruzan, Kapistahan ng Sto. Niño, Living Rosary tuwing buwan ng Oktubre, Dalaw-Parokya bago ang Kapistahan ni Maria Immaculada, Bigasan sa Parokya at iba pang programa na makakatulong sa paglago ng mga mananampalataya.

 

 

back to LIST