News

 

Parishes

 

St. Nicholas de Tolentine Parish

St. Nicholas de Tolentine Parish
Carranglan

VISION

Sambayanang namumuhay bilang isang maunlad na Damayang Kristiyano na nangangalaga sa inang kalikasan, binibigkis at pinapalakas ng Espiritu Santo sa patnubay ni San Nicolas.

MISSION

Pagbuo ng mumunting Sambayanang Kristiyano (BEC/DK)
Paghuhubog ng mga lider layko at mga kabataan
Pagtataguyod ng Kapayapaan batay sa Katarungan at pagmamahalan.
Paglulunsad ng mga proyekto at programa tungo sa buo at tuloy-tuloy na pag-unlad at pangangalaga ng kalikasan
Masusing pag-aaral at pagsasabuhay ng turo at aral ng simbahang Katoliko

BEGINNINGS

Ang Carranglan ang pinakamalaking bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija kung lawak ng lupain ang pagbabatayan, subalit pinakamaliit sa pangkabuhayan. Mahirap ang bayang ito na matatagpuan sa dulong hilagang bahagi ng lalawigan. Ang mga bulubunduking lupain nito ay di gaanong pinakikinabangan dahil sa kakulangan sa patubig. Ang mga kabukiran ay karaniwang umaasa sa tubig-ulan upang maging kapaki-pakinabang. Karamihan sa mga mamamayan ay mga magsasaka at ang pagtatanim ng mga halamang-ugat ang nakakatulong sa kanilang pamumuhay.

Matatgpuan pa rin ang dalawang tribu ng mga katutubo sa ilang liblib na bahagi ng bayan. Mahabang panahon ng Kristiyanismo ang nakatulong upang sila ay maging binyagan, samantalang pinananatili nila ang kulturang kinagisnan.

Upang mapalaganap ang Kristiyanismo, nagtayo ang mga masigasig na mga Agustinong pari ng dalawang misyon - isa sa Puncan, at isa sa Carranglan noong 1765. Sa tulong ng mga mananampalataya, gumamit ng magkahalong tisa, bato, at semento ang mga pari sa pagtatayo ng simbahan sa karanglan ni San Nicolas de Tolentino.

Sa loob ng maraming taon, ang parokya ay pinangasiwaan ng mga misyonero. Noong 1941-1948, si Padre Jose Croonen, MSC ang nangasiwa sa simbahan dito sa Carranglan. Sa kanyang pamamahala, naitayo ang kumbento. Siya ay binihag ng mga Hapon dahil sa pananampalatayang Katoliko. Ang mga sumusunod ay ang mga paring misyenero na naglingkod sa Parokya ni San Nicolas de Tolentino at ang mga natatanging kaganapan sa kani-kanilang kapanahunan.

ADMINISTRATION

1948-1950 Padre Celeste, MSC
1950-1951 Padre Cornelius Van Weerdenberg, MSC
1953 Padre Alfred Cayabyab, MSC
1954-1959 Padre Leo Van Kalmthout, MSC
1959-1962 Padre John A. Boere, MSC – nagpatayo ng bagong kumbento
1962-1966 Padre James Rjke, MSC – bumuo ng koro para sa Misa; pinasigla
ang mga samahang panrelihiyon
1967-1988 Fr. Leo Van Kalmthout, MSC
1988 Fr. Omar Tabing – Parochial Administrator
1989-1994 Fr. Nestor Romano
1994-2000 Fr. Cesar Vergara – nagpagawa at nagpatapos ng bagong simbahan
2000-2002 Menardo Natividad
2002-2004 Fr. Victor Villalobos
2004-2006 Fr. Ernie Pesimo
2006-present Fr. Ariel U. Capuyon

 

 

 

back to LIST